Lechon na kayo bukas-makalawa
|
Kayo’y naluklok sa inyo-inyong pwesto
|
Dahil ang taumbayan ay na-impress nyo
|
Pero matapos ipangako ang best nyo
|
Presto, nagbago ang letrahan ng kuwento
|
Pera at pangalan ginawang puhunan
|
Para sa kapangyarihang masuhulan
|
Mga makamasa raw kung manilbihan
|
Matapos maupo, hindi na nanindigan
|
Akala n’yo kung sinong tapat kung pumutak
|
Mabilis pa sa kisap-mata kung kumurap
|
Kaya pala serbisyo ay abot-kamay
|
Kasi mga tanggapan ay tanggapan ng lagay
|
Bawim-bawi ang gastos para manalo
|
Malakas pa ang kickback sa nagulat na kabayo
|
At kung may katulad ko mang aangal
|
Madali lang maghugas-kamay na bakal
|
Lahat ng 'yan ay sa kabila ng
|
Laganap at lumalalang kahirapan
|
Kaya mga gastador, hwag nang magtaka
|
Lechon na kayo, bukas-makalawa
|
Bukas-makalawa
|
Lechon na kayo bukas-makalawa
|
Mga gastador, hwag nang magtaka
|
Lechon na kayo bukas-makalawa
|
Bukas-makalawa
|
Letchon na kayo bukas-makalawa
|
Mga gastador, hwag nang magtaka
|
Lechon na kayo bukas-makalawa
|
(Mga baboy!)
|
«Le-le-le-Lechon na kayo bukas-makalawa» |