Ako ang Perlas ng Silangan
|
Ako ang Perlas ng Silangan
|
Ako ang Perlas ng Silangan
|
Ako ay paraiso sa timog-silangang Asya
|
Kapuluang puno ng grasya
|
Talumpung milyong ektarya
|
Kalupaang siksik sa sustansya
|
Nagkalat aking mga kabundukan
|
Karamihan mga dating bulkan
|
Kaya lupa’y mataba maging sa kapatagan
|
Nagpapalago ng mga halaman
|
Mayabong aking mga kagubatan
|
Sa bunga at kahoy ay mayaman
|
Sa mga mineral hindi rin pahuhuli
|
Ako’y kumikinang sa ilalim ng dumi
|
Malawak aking mga karagatan
|
Mga ilog ay mga ugat ng aking katawan
|
Naghahatid ng mga yamang tubig
|
Kayang dumilig ng mga bukid
|
Ako’y kinukumutan ng klimang tropikal
|
Kaya samu’t saring buhay sa piling ko’y hiyang
|
Samu’t saring hayop, samu’t saring halaman
|
Ang namumuhay sa alaga kong bakuran
|
Sapat aking lawak, lalim, at laman
|
Sapat aking likas na kayamanan
|
Sapat upang masaganang kabuhayan
|
Ay makamtan ng tanan kong taumbayan
|
Sapat aking lawak, lalim, at laman
|
Sapat aking likas na kayamanan
|
Sapat upang masaganang kabuhayan
|
Ay makamtan ng tanan kong taumbayan |
Pa’no nagkaganyan, sa yaman ng Pinas hirap ang sambayanan?
|
Pa’no nagkaganyan, sa yaman ng Pinas hirap ang sambayanan?
|
Pa’no nagkaganyan, sa yaman ng Pinas hirap ang sambayanan?
|
Pa’no nagkaganyan, sa yaman ng Pinas hirap ang sambayanan?
|
Ako ang Perlas ng Silangan
|
Ako ang Perlas ng Silangan
|
Ako ang Perlas ng Silangan
|
Mayamang sadlak sa kahirapan
|
Ako ang Perlas ng Silangan
|
Ako ang Perlas ng Silangan
|
Ako ang Perlas ng Silangan
|
Mayamang sadlak sa kahirapan |