Mga anak, salamat sa lahat
|
Lalo na sa pag-papatakbo ng alamat (pakagat)
|
Kontra droga ang pamagat
|
Kamaong naka-ngarat ang pabalat
|
Para sa kaayusan, para sa kaunlaran
|
Para sa kapayapaan, ano ba naman ang kamatayan?
|
(ng mga salot na lango)
|
Kayo nang bahala kung paano ang galaw
|
Matayog ang pangako, mababa ang tanaw
|
Tira lang ng tira 'gang walang matira
|
Bubusalan ang mga mag bibida
|
Bala ang batas, bala ang pitaka
|
Bala ang balitang di makilala
|
Ito’y digmaan, ito ang pasinaya
|
Mga anak, kayo ang makinarya!
|
At sa pag supil ng mga salot ng lipunan
|
Wag nang alalahanin ang kanilang karapatan
|
Ang aking salita ang siyang magiging armas
|
Ang aking salita ang siyang magiging batas
|
Aking mga anak, ipalaganap nyo ang utos ko
|
Wag kayo matakot na malunod sa dugo
|
Ang aking salita ang siyang magiging armas
|
Sa aking salita, walang makakaligtas
|
Mga bilin ni tatay, himayin
|
Isalin at ibatay sa mga sasaklawin
|
Ng bawat kagawaran, komisyon, at ahensya
|
Nang magka-alaman ng hatian ng ebidensya
|
Este pwersa
|
Gawing reso, gawing memo, gawing utos |
Clearing operations na hanggang maubos
|
Anong punto, bulto-bulto lang ng puntos
|
May kita, este quota, at may panustos
|
Isasabuhay, mga salitang pumapaslang
|
Nakatago sa mata ng publiko ang makinarya ng pagtokhang
|
Sa pag putok ng bariles tutugisin ang mamayan
|
Di nila kailangan na malaman ang dahilan
|
Basta ba’t barilin nyo nalang
|
Adik, adik, basta nasa listahan automatic ay adik
|
Isinulat ng mga nagmamasid
|
Ignorante man o ganid
|
Importante ang pulis may target
|
Mabisang mata
|
Kapitbahay na binitawan na ang kanyang moralidad
|
Ginagamit na sila para ilag-lag
|
Ang kapwa sila-sila na nagtuturaan
|
Nag papalakas kay itay, kaya damihan nyong pumatay
|
Coordinate, bago ma-terminate, gawing baranggay ng bangkay
|
Droga ang kalaban, pero tiyakin ang baril sa tao nakatutok
|
Dobol Barrel, sa bawat patak ng dugo, kapalit ay piso
|
Isasabuhay, mga salitang pumapaslang
|
Nakatago sa mata ng publiko ang makinarya ng pagtokhang
|
Sa pag putok ng bariles tutugisin ang mamayan
|
Di nila kailangan na malaman ang dahilan
|
Basta ba’t barilin nyo nalang |
Memorandum Circular
|
Hudiyat ng aming pag galaw
|
Hahalug-hugin ang bawat sulok
|
Kahit na mag-tago'y lilitaw
|
Kalyeng madilim, malagim, di pansin
|
Ng mga nasa listahan na sila’y papaslangin
|
Parte ng mga kotang tatapusin
|
Palengke man o burol
|
Bilyaran, sementeryo
|
Gamit ang matang nagmamasid
|
Markado na agad ang mga ulo
|
Si kap ay nasabihan na
|
Wala nang pwedeng umalma
|
Target napalibutan na
|
Mga baril naka kasa
|
Sir may posibleng saksi
|
Mga anak at kanyang misis
|
Ano nga ba protocol natin
|
Wala naman sila sa drug watch list?
|
Wag mo na intindihan yan
|
Trabaho mo’y gawin mo nalang
|
Di mo ikaka-asenso
|
Saka wala silang bilang
|
Pinasok na ang bahay at ginapos na lahat ng pwedeng witness
|
Mukha ng target ay nasa sahig (siya ba yan?), baril ang paglilitis
|
Pumapalag pa siya’t tinatanggi ang pagiging adik
|
Taintim na nag-mamakaawa
|
«Sir, di naman ako-»
|
My children, I am grateful to you
|
For keeping my legend alive
|
(for believing)
|
With the Drug War as my brand
|
And my label of a closed fist hand
|
In the name of order, in the name of progress |
In the name of peace
|
Death is a small price to pay
|
(the death of vermin)
|
I’ll leave you to do the the dirty work
|
Of my grand promises and narrow vision
|
Shoot them all until no one is left
|
Silence anyone who complains
|
The bullet is the law, the bullet is the state budget
|
The bullet is the news no one will recognize
|
This is war, this is the spectacle
|
My children, you are the machine!
|
To rid us of society’s unwanted
|
Disabuse them all of their rights
|
My orders will be your weapons
|
My orders will be the law
|
My children, spread my word far and wide
|
Do not be afraid to drown in blood
|
My orders will be your weapons
|
With my orders, no one is safe
|
We have to make sense of Father’s orders
|
Translate and apply it for all citizens
|
For the departments, commissions, and agencies
|
To determine the division of evidence
|
Sorry, I mean, force
|
We’ll churn out resolutions, memorandums, and marching orders
|
Clearing operations until they’re all dead
|
Each victim adds to our body count
|
To meet profits, I mean quotas, and bribes |
To enforce the order to kill
|
Hide the machinery of Tokhang from the public’s eye
|
Keep the people in the cross hairs
|
They won’t need a reason
|
If you shoot them down
|
Addict, addict, if they’re on the list
|
They’re automatically addicts
|
Put there by watchful eyes
|
That could be ignorant or greedy
|
As long as the police have their targets
|
The ever watchful eyes
|
Of neighbors that gave up their humanity
|
Are cogs and gears
|
As they snitch on each other
|
To please our Father, deliver the dead in numbers
|
Coordinate before we terminate
|
Fill the neighborhoods with bodies
|
Drugs are the enemy but set your sights on the people
|
Double Barrel, every drop of blood has a price
|
To enforce the order to kill
|
Hide the machinery of Tokhang from the public’s eye
|
Keep the people in the cross hairs
|
They won’t need a reason
|
If you shoot them down
|
To enforce the order to kill
|
The Memorandum Circular
|
Is the cue to our operations
|
To sweep through street corners
|
And surface anyone suspicious
|
Dark and doomed alleyways keep their secrets |
Everyone on the list will get their due
|
As part of quotas to complete
|
From the marketplace to the wake
|
From pool halls to the cemetery
|
With the help of watchful eyes
|
All targets are marked
|
Captain has been notified
|
No one can object
|
The target is surrounded
|
And guns at the ready
|
«Sir, there are possible witnesses
|
His wife and children are on the scene
|
What is our protocol
|
If they aren’t on the drug watch list?»
|
Don’t worry about that
|
Just focus on doing your job
|
It won’t do you any good
|
And they don’t matter in the long run
|
Burst through the door and tie up all the witnesses
|
The perp’s face is on the floor (is that him?)
|
This bullet will be his judgement
|
He’s fighting back, claiming that he’s innocent
|
He’s begging for his life
|
«Sir, I’m not an addict--» |