Parang panaginip, tayong dalawa
|
At ayoko ng, magising, mahimbing na
|
Ang pagtulog, nahulog, nalunod
|
Ng nag iisa
|
II (kiyo)
|
Sa pagpikit, ng aking mga mata
|
Ayoko ng, magising
|
Pagka’t gusto pang madama
|
Mga kundiman na tungkol sa’ting dalawa
|
Pero ako lang ang may alam
|
Ipaalam sayo’y di na kailangan pa
|
Alaala na nasulyapan
|
Sa litrato ng aking mapaglarong kaisipan
|
Iniisip hanggang kailan sa tadhana’y makipagbiruan
|
Sa ideya na tayo at hindi sa panaginip lang
|
Kaya ganito na lang
|
Nakakabighani kapag tinitingnan ka lang
|
Mabuti nang ganito na lang
|
Andun ka lang, tinatanaw mga ngiting nakakasilaw
|
Naku po, kung alam mo lang
|
Kapag dumadaan, biglang ang bagal na ng lahat
|
Mga pasimpleng hawi ng buhok, nahulog agad
|
Sa’king isip ikaw ay kapiling at akin ka
|
Kung panaginip lang lahat, limang minuto pa
|
III (no$ia)
|
Tunay na masayang ngiti
|
Tumitig lang sayo, nabighani, oohh
|
'Pag nakita ang iyong larawan
|
Lungkot ay humahawi, ohh oh ohh
|
IV (Alisson Shore)
|
Parang panaginip, tayong dalawa
|
At ayoko ng, magising, mahimbing na
|
Ang pagtulog, nahulog, nalunod
|
Ng nag iisa
|
V (Alisson Shore)
|
Salamat at ako’y nagising
|
Sa isang bangungot na akala ko’y tulog na mahimbing
|
Naalimpungatan sa mga demonyong akala’y ko’y kaya Kong itumba ngunit pinilit
|
nilang ako’y malasing
|
Ni ang kwarto’ng pinagsaluhan nating dalawa ay
|
Mismong siya na rin ang umiiling
|
Sa isang larawang nagsilbing ebidensya na akala ko’y Mapapag aralan mo rin
|
akong mahalin
|
VI (no$ia)
|
Magkasama tayo sa isang larawan
|
Nakangiti ka, habang ako’y nakatingin sayong mga mata
|
Sumagi bigla ang aking mga isipan na
|
Ang lahat ng ito ay isang kalokohan lang
|
Bawat oras iniisip kang makasama at
|
Pero lahat ng ito ay aking mga mahika
|
Lahat ng alaala nating dalawa
|
Alaalang ako lang ang nakadarama |