| Ramdam ko ang nasa loob, tandaan mo ang ikaw ay ako |
| Ang pangako'y pang-hawakan mo dahil sumpa ko yan sa'yo |
| (Ako'y kakampi mo) |
|
| Kapag ayaw ko nang tumaya, ikaw ang meron ko sa wala |
| Mahahanap kahit pumikit, mabulag man ay makakapa |
| Bingi ma'y ngalan mo lang ang tunog, laman ng pusong lumalagabog |
| Ikaw ang siyang tanging sumasagip, sa ganda mo ako'y lumulubog |
|
| Alam kong hindi madali, tanaw ko kung sa'n ka nang-gagaling |
| 'Pag naligaw ay uuwi lagi sa pag-mamahalan natin |
|
| Malalampasan din natin ang lahat ng 'to |
| Walang hindi kaya, basta tayo'y mag-kasama |
| Pahinga lang saglit, huminga't pumikit |
| Tapos laban ulit, gano'n tayo kalupit |
| Mas madaling lumaban |
| Mas matindi 'pag tayo ay mag-kakampi |
|
| Hindi mo maitatago sa'kin ang takot sa'yong mga mata |
| Ano ka ba? Ramdam na ramdam kita |
| Pa'no kung 'to na yung dulo? kahit pa na mag-tulungan tayo |
| Alam kong duda ka din minsan |
|
| Ang dami mong tanong, na simple ang sagot |
| Walang bibitaw, yan ang usapan, 'lagi lang palag |
| Oh huwag kang kabahan, 'di ka pababayaan |
| Eh ano kung madapa, mahalaga ay mag-kasama |
|
| Kahit sa'n pa tayo dal'hin ng mga desisyon |
| Tama o mali man, ating panindigan |
| Ilang beses na tayong sinubukan |
| Kaya 'di para sukuan, tagusin nating sabay ang kabiguan |
|
| Malalampasan din natin ang lahat ng 'to |
| Walang hindi kaya, basta tayo'y mag-kasama |
| Pahinga lang saglit, huminga't pumikit |
| Tapos laban ulit, gano'n tayo kalupit |
| Mas madaling lumaban |
| Mas matindi 'pag tayo ay mag-kakampi |
|
| Ilang beses na ba tayong sinubok ng tadhana? |
| Nabibigo, nalilito pero ang mahalaga nandito parin |
| Gano'n tayo katibay |
|
| Walang hindi kakayanin, lalo no'ng inalay ang buhay mo sa'kin |
| Walang ibang hangarin kung'di ang makabawi at tabihan ka sa |
| Mga oras na kinakailangan ng karamay sa kalungkutan |
|
| Nandito ako para malapitan, sa hirap o ginhawa asahan |
| Kasama mo 'ko sa kaduluduluhan, huwag kang mangangamba |
| Huwag kang mag-alinlangan |
| Hanggang sa magawa nating permanente ang panandalian na kaligayahan dahil |
|
| Malalampasan din natin ang lahat ng 'to |
| Walang hindi kaya, basta tayo'y mag-kasama |
| Pahinga lang saglit, huminga't pumikit |
| Tapos laban ulit, gano'n tayo kalupit |
| Mas madaling lumaban |
| Mas matindi 'pag tayo ay mag-kakampi |
|
| Mas madali 'pag tayo ay mag-kakampi |
| Tayo'y mag-kakampi |
|