Інформація про пісню На цій сторінці ви можете ознайомитися з текстом пісні Dito Sa Maynila, виконавця - Loonie.
Дата випуску: 22.08.2020
Вікові обмеження: 18+
Мова пісні: Тагальська
Dito Sa Maynila |
Kasi dito sa Maynila, hindi mabubuhay ang mahihina |
Kasi dito sa Maynila, hindi mabubuhay ang mahihina |
Kasi dito sa Maynila, hindi mabubuhay ang mahihina |
Kasi dito sa Maynila, hindi mabubuhay ang mahihina |
Dito sa Maynila nakikipagsagupaan |
Kahit mainit tumutulo ang pawis parang kandila |
Kailangang magtrabaho, kailangan din sumuyod |
Di iindahin dere-deretso pa rin hanggang mapagod |
Pagka’t kailangan may mauwi na grasya |
Pero konting ingat didistansya sa disgrasya |
Maraming bagay na di-inaasahan |
Sa Maynila akin na tong napatunayan |
May magandang pangyayari’t merong malungkot |
Magmasid-masid para malaman ang sagot |
Sa mga katanungang namuo sayong isipan |
Simula’t sapul na mulat ka sa kaMaynilaan |
Kailangang pag-aralan, mamuhay at umasta |
Dito sa kapitolyo ng Pilipinas ang buhay ay di basta-basta |
Kaya kung aalis ka dito ay babalik ka rin |
ALINYAM ang Maynila kung babaliktarin |
Di ko namalayan na umaga na pala |
At namumula pa ang mga mata |
Anak bangon na may pasok ka |
Anong oras na? Alais Sais pasado na |
Isang araw nanaman ng pakikipag sapalaran |
Ng mga paang nakikipag-apakan, |
Nakikipag-patintero, nakikipag-unahan |
Sa masasakyang jeep na magdaraan |
Badtrip! Bakit laging traffic? |
Bakit ganito naging kulay abo ang langit? |
Nakakabinging ingay sa lungsod |
Sa sobrang siksikan di ka maka-usog |
Binunggo mo na nga ako, ikaw pa ang galit |
Di kita inaano, wag ka makulit |
Para makatakas sa siyudad na kay lupit |
Sisindi nalang ako hanggang sa mapapikit |
Kasi dito sa Maynila, hindi mabubuhay ang mahihina |
Kasi dito sa Maynila, hindi mabubuhay ang mahihina |
Kasi dito sa Maynila, hindi mabubuhay ang mahihina |
Kasi dito sa Maynila, hindi mabubuhay ang mahihina |
Oh mahal kong Maynila! Anong tunay na mukha? |
Na kung hindi ka kakahig ay hindi ka tutuka |
Sadyang kami ay dukha o napabilang lang kami |
Nagtatrabaho ng umaga, maghapon hanggang gabi |
Makadiskarte lang, kahit na kung minsan ay pagod |
Hindi iniinda kahit magkanda-kuba ang likod |
Sunod sa agos, nagbabakasakaling makaraos |
Na kung matapos man ito ay uuwi akong may galos |
Merong sugat sa kamay, dulot ng paghihintay |
Na ibigay ang huling pamana sakin ni inay |
Pero di madaling mabuhay sa hingi-hingi |
Sa dami mong sinusubuan, di mo na magawa pang ngumiti |
Kahit matutulog kana sa isip mo biglang sasagi |
Na bukas ay maniningil ng upa ang may-ari |
Ng bahay, kaya kumilos hanggang may buhay |
Kung sitwasyong ganyan palagi, di ka ba masasanay? |
J-Skeelz ang makatang bente sais anyos |
Mahusay, malupit naman, kaso di rin nakatapos |
Ng pag-aaral, kinapos si tatay at si nanay |
Dito sa barangay puro tambay dun ako sinanay |
Nagiging sa ingay ng mga kapitbahay |
Wala kong magawa kasi nga dikit-dikit ang bahay |
Magtiis para masanay sa gutom para mabuhay |
Dito sa lungsod na may kritikal na pamumuhay |
Kung pupwede nga lang tumakbo kong president |
Dito sa Maynila may milyon-milyong residente |
Kalyeng takaw aksidente nagkalat sa Maynila |
Mandurukot pag nandukot may asar pa sabay dila |
Kaya ingat sa makipot na kalye kapag umikot |
Baka ka maligaw sa dami ng pasikot-sikot |
Pero pipiliin ko parin dito na manirahan |
Sa Maynila kasi madaming pwedeng pagkaperahan |
Kasi dito sa Maynila, hindi mabubuhay ang mahihina |
Kasi dito sa Maynila, hindi mabubuhay ang mahihina |
Kasi dito sa Maynila, hindi mabubuhay ang mahihina |
Kasi dito sa Maynila, hindi mabubuhay ang mahihina |
Halikana’t sumugod sa karagatan |
Ng alikabok at usok, nalalampasan |
Ang kahit anong pagsubok, humawak ka lang |
Higpitan mo lang ang kapit, tibayan mo lang |
Wag na wag kang mangangawit |
Ang mga peklat mo ang magsisilbing patunay, |
Madaling mamatay kasi mahirap na ang buhay |
Kailangang kumilos, kailangang kumita |
Pilipinong pinipilit pilipitin ang dila |
Walang kape sa mesa |
Walang kapera-pera |
Paggantong taghirap dapat wala ng teka teka |
Teka teka teka muna sadali |
Mauunahan ka ng oras pag hindi ka nagmadali |
Dapat mabilis at matulin na parang bus patungong Baguio |
Wala nang atrasan kasi pinutol ko ang kambyo |
Tapos yung preno mahina, yung makina maingay |
Sa Metro Manila talagang matira matibay |