Інформація про пісню На цій сторінці ви можете ознайомитися з текстом пісні Tao Lang, виконавця - Loonie.
Дата випуску: 31.12.2012
Мова пісні: Тагальська
Tao Lang |
Tara lapitan natin. |
Idol FlipTop tayu. |
Tara isa lang kuya. Sige na… |
Parinig naman ng rap mo! sample naman d’yan |
Ang ganda naman ng cap mo! arbor nalang yan |
Ang yabang mo naman! wala ka bang kanta na bago? |
Bakit wala kang battle? Takot ka bang matalo? Ha? |
Paulit-ulit ang tanong ng mga tao |
Wag sanang apurado, anong magagawa ko? |
Wala akong maisip, masyado pang mainit |
Akala mo tuloy mukhang suplado pag tahimik |
Pagod lang talaga, galing gig Tuguegarao |
Walong oras sa van, tatlong oras sa kalabaw |
Tapos pag uwi ko pa para bang hindi ko malaman |
Kung bakit ang buhay ko ay para bang naging pelikula |
Laging puyat! Nagkalat ang papel na nilamukos |
Andame ng kapeng ipinautos |
Tinta ng aking bolpen, malapit ng maubos |
Isang patak na lang pero aking ibubuhos |
Mali ba na magkamali ang 'sang tulad ko |
Ako ay tao lang din naman na tulad mo |
Ano ba ang dapat na gawin |
Dapat bang kamuhian o dapat ba na tularan ang 'sang tulad ko na tao lang |
Pasensya na, tao lang |
Pasensya na, tao lang |
Pasensya na, tao lang |
Sapul sa pagkabata, sablay nung tumanda |
Lumakad humakbang hanggang sa madapa |
Wag kang mawawalan ng pag-asa, wag kang madadala |
Kung wala ka pang mali wala ka pang nagagawa |
Madadapa ka muna bago ka matutong lumakad |
Ang buhay ay utang, hulugan ang bayad |
Kaya wag kang matakot magkamali |
Pero alalay lang wag kang masyadong magmadali |
Yan ang sabi sa akin ng aking itay |
Na pinapaalala palagi sakin ni inay na kadalasan ay |
Hindi nasusunod |
Ayoko ng sumali, gusto kong manuod |
Minsan wala ng gana, ayoko ng mag Rap |
Kase akala ko dati, alam ko na lahat |
Yun pala kulang pa ang kaalaman kong labis |
Ngayon alam ko na kung ba’t may pambura ang lapis |
Mali ba na magkamali ang 'sang tulad ko |
Ako ay tao lang din naman na tulad mo |
Ano ba ang dapat na gawin |
Dapat bang kamuhian o dapat ba na tularan ang 'sang tulad ko na tao lang |
Pasensya na, tao lang |
Pasensya na, tao lang |
Pasensya na |
Pero di ba tao ka lang din, hindi mo ba napansin? |
Kahit anong taas mo na, titingala ka pa rin |
Kahit planuhin mong mabuti, bakit ganun pa din? |
Di maiwasan na magkamali kahit anong gawin |
Kadalasan, nangyayari ay ang kabaliktaran |
Marami kang detalye na makakaligtaan |
Mamamali ka ng daan lalo kung wala kang g’anong alam |
Ano magagawa mo? Tao ka lang |
Napapagod, natatakot, naiinip |
Natatawa, nagtataka, naiinggit |
Nangangawit, nagagalit, nabibigla |
Nalulungkot, nauutot, nahihiya |
Natutukso, nakukonsensya, nauubusan din ng pasensya |
Nasasaktan, nagmumura pero nagmamahal pa rin kahit natuto na |
Mali ba na magkamali ang 'sang tulad ko |
Ako ay tao lang din naman na tulad mo |
Ano ba ang dapat na gawin |
Dapat bang kamuhian o dapat ba na tularan ang 'sang tulad ko na tao lang |
Mali ba na magkamali ang 'sang tulad ko |
Ako ay tao lang din naman na tulad mo (tao lang pasensya na) |
Ano ba ang dapat na gawin (ano ba) |
Dapat bang kamuhian (ano ba) |
O dapat ba na tularan ang 'sang tulad ko na tao lang |
Pasensya na, tao lang |
Pasensya na, tao lang |
Kagaya mo, tao lang |
Pasensya na… tao lang |
Pasensya na, tao lang. |
Pasensya na, sorry naman |
Kung pwede lang sanang isoli na lang |
Pasensya na |