Інформація про пісню На цій сторінці ви можете ознайомитися з текстом пісні Eroplanong Papel, виконавця - Loonie.
Дата випуску: 17.12.2023
Вікові обмеження: 18+
Мова пісні: Тагальська
Eroplanong Papel |
Tulala sa matayog na pader\nNangarap sintaas ng tore ng Babel\nNung walang pambili ng laruang baril\nNagtatiyaga sa eroplanong papel\nNaaalala ko pa yung bahay sa Vito Cruz\nKung san ang battlerap sakin unang naintroduce\nNung mga panahong wala pang gigs at interviews\nWala ring makain kasi wala pang million views\nDaming gustong patunayan\nDami ring gustong pasinungalingan\nDaming gustong paghusayan\nKaso pamilya ay di ko malisan\nDaming gustong pagusapan\nKaso takot sa mali kong katwiran\nDami nang pinagdusahan\nSa dami ng nagawang kamalian (kamalian)\nAyo!\nNaaalala ko sa Delpan, dun sa kanto\nHablot, tutok\nPag mahina bote-diyaryo\nWala pang Batang Quiapo nun o Probinsyano\n'Sang batang pasaway na habulin na 'to ni Cardo\nDami kong gustong subukan gamit ang perang makapangyarihan\nDami ring gustong tulungan, mabiyayaan at mabahagian\nDami mang gustong tutulan, mga tunay na kaaway, pekeng kaibigan\nDami nang pinaghugutan nung mga panahon na ako ay kalimitang…\nTulala sa matayog na pader (tulala!)\nNangarap sintaas ng tore ng Babel (ugh)\nNung walang pambili ng laruang baril (walang-wala!)\nNagtatiyaga sa eroplanong papel (nagtatiyaga!)\nNgayon tila ako’y nagdilang-anghel (tila bigla!)\nLimpak-limpak na milyones sa mantel (limpak-limpak!)\nMapadolyar man o piso mga ser (kahit euro!)\nGinagawa ko lang eroplanong papel\nNaaalala ko pa yung mga gabi sa t’wina\nUwian ay kalsada, at pamilya ang barkada\nNagigising sa mga usok at busina\nSa walang kurtina kong kubeta, sala’t kama\nBuhay ba ng gangsta? Gusto mo sumama?\nMuntik na kong mabaliw at maging taong grasa\nKahiyang i-flex, yung iba nga finefake\nYung istoryang pinepeg, paangasin na may drama (drama, drama, drama)\nPero kung 'kala mo na yun lamang (yeah)\nTapos madapa, gumulong, at gumapang\nAlam kong bumangon ay obligasyon kong atang\nNung una akalang hanggang dun na lamang\nTapos ngayon parang ako pa yumabang (ha?)\nSa repleksiyon ng aking mga mata\nNakikita ko pa rin yung batang (batang, batang…)\nTulala sa matayog na pader (tulala!)\nNangarap sintaas ng tore ng Babel (ugh)\nNung walang pambili ng laruang baril (walang-wala!)\nNagtatiyaga sa eroplanong papel (nagtatiyaga!)\nNgayon tila ako’y nagdilang-anghel (tila bigla!)\nLimpak-limpak na milyones sa mantel (limpak-limpak!)\nMapadolyar man o piso mga ser (kahit euro!)\nGinagawa ko lang eroplanong papel\nDi na kailangan magbayad ng upa\nMeron nang bahay at lupa, malaya sa utang\nSarap na ng buhay di gaya nang una\nDi na kailangan pang magkandakuba\nPara sa pangarap na nakakalula\nBawal sa mga batang, mababaw luha\nMaraming sugapang makakasagupa\nGumapang sa lupa hanggang sa makuha\nKaya magflex nang pilit, di na kailangan\nAko’y haligi na ng tanan\nMagpapasimple, pakumbaba lang\nPara hindi rin ako utangan\nMananahimik na lang sa gilid kahit sabihin pa na yumabang\nSan man mawili, Sa’king sarili mananatili pa rin yung batang…\nTulala sa matayog na pader (tulala!)\nNangarap sintaas ng tore ng Babel (ugh)\nNung walang pambili ng laruang baril (walang-wala!)\nNagtatiyaga sa eroplanong papel (nagtatiyaga!)\nNgayon tila ako’y nagdilang-anghel (tila bigla!)\nLimpak-limpak na milyones sa mantel (limpak-limpak!)\nMapadolyar man o piso mga ser (kahit euro!)\nGinagawa ko lang eroplanong papel |