Текст пісні Tanyag - Loonie, Abra, Syke

Tanyag - Loonie, Abra, Syke
Інформація про пісню На цій сторінці ви можете ознайомитися з текстом пісні Tanyag, виконавця - Loonie.
Дата випуску: 31.12.2012
Мова пісні: Тагальська

Tanyag

Aminadong kabado, ang daming tao, paralisado sa entablado
'Di praktisado kahit kapiraso ng kinabisado kanina pa blangko
Ang aking isip walang mahirit napaka init
Bago pa maisipan na bumangon ay bumangon na mula sa panaginip at
Muling bumalik sa reyalidad gusto paring ipakita ang kalidad para
Para patunayan sa lahat na wala talagang kinalaman ang ating edad sa abilidad
Akoy lilipad sa alapaap (up up and away) hanggang sa kalawakan
'Pag ako ang siyang nagkapangalan pangako babaguhin ko ang galawan
Ipapakita ang kayang gawin sa lahat
Balang-araw pangarap maging alamat
Mabalitaan sa telebisyon at aklat
Masabihan ng «Idol galing mo mag-rap»
Paguwi ko ng bahay naligo, nagsanay, pag-kiss ko kay nanay alis na agad
At pagpatak ng alas diyes 'yung pang-apat sa listahan pina-akyat
Puro tanong sa aking isipan
Urong sulong (bakit)? tinginan
Pano kaya kung magkatotoo 'yung kaninang napanaginipan
Isang pasada lamang ang byahe ng buhay
Tandaan hindi kumikinang ang diyamante sa buhay
Akala nila kilala ka nila at hindi mo sila kilala
Pero 'di ka nila kilala at kilalang kilala mo sila
Mukha mo’y laging nasa magazine, dyaryo at iba pa
Bukas makalawa malamang pambalot na lang ng tinapa (ng tinapa)
Buwis buhay emcee
Akala ko pa easy-easy
Kailangan pa palang pag-aralan mo nang maigi
Ang galawan para talagang malaman mo ang
Pipiliin mong landas pinipilit ilabas ang nakaipit na lakas
Kaso nga lang ngayon
Masyado na 'kong busy sa kakasulat ko
Kumakapal lalo ang kalyo sa daliri
Nagkalat ang pangalan ko sa dyaryo at sa CD
Boses at mukha ko naman sa radyo at sa TV
Eksadyo 'to pag ihi ko sa banyo may graffiti
Ng pangalan ko at kinikilala ng taong bayan at
Mga bata na nakatambay na maghapong nasa PC
Sa dami ng fans ko talo ang factory ng 3D
Platinum lahat ng mga album ko at EP
Sikat na sa syudad, probinsyano in the city
Masarap ba maging tanyag?
'Yan ang tanong ko sa sarili
Matamis na mapait, masaya na may halong pagsisisi
Akala nila kilala ka nila at hindi mo sila kilala
Pero 'di ka nila kilala at kilalang kilala mo sila
Mukha mo’y laging nasa magazine, dyaryo, at iba pa
Bukas makalawa malamang pambalot na lang ng tinapa

Bukas makalawa malamang pambalot nalang ng tinapa
Ilang beses pinagtangkaang matanggal sa pagtanghal ako’y nagtagal at nanatili
Sa pinaglagyan kong kayo mismo pumili kaya nawili at 'di nawala akala niyo lang
kaya parang muling nagbalik
Akala ng ilan nakakulong lang kaya ngayon nanabik sa mic at muling nausong
parang (vyke)? sight, Nike, fame, game, blame, shame, lame
(Kamatayan ng apat ng)? mga ganung rhyme
Sapagkat nandito na mga anak ko
Ako ang ama ng mga huwaran
Ang mga dapat tularan
Magagaling kahit mga ampon ko lang at pa’no maging ako
Magpakuha tayo ng larawan
Ngunit 'wag mong ipagyabang
Ilabas mo nalang kung sa tingin mo may kaya ka nang patunayan
Ang katunayan
Ang lahat ng mga 'yan ay nagsikap at naghanda
Kamtin ang pangarap kahit tumanda
Wala sa edad kundi nasa ganda ng mga nilikha
Ipapamukha mo pa ba sa’kin kung bakit 'di ako sumikat?
O umaga pa lang ngayon? Dis-oras ng gabi ako lumabas
Ipapamukha mo pa ba sa’kin kung bakit 'di ako sumikat?
O umaga pa lang ngayon? Dis-oras ng gabi ako lumabas
Akala nila kilala ka nila at hindi mo sila kilala
Pero 'di ka nila kilala at kilalang kilala mo sila
Mukha mo’y laging nasa magazine, dyaryo, at iba pa
Bukas makalawa malamang pambalot na lang ng tinapa
Akala nila kilala ka nila at hindi mo sila kilala
Pero 'di ka nila kilala at kilalang kilala mo sila
Mukha mo’y laging nasa magazine, dyaryo, at iba pa
Bukas makalawa malamang pambalot na lang ng tinapa
Mukha mo’y laging nasa magazine, dyaryo, at iba pa
Mukha mo’y laging nasa magazine, dyaryo, at iba pa
Mukha mo’y laging nasa magazine, dyaryo, at iba pa
Bukas makalawa malamang pambalot na lang ng tinapa
Music is a life force
Music is infinity
Music is eternity
They say that when people exist in the music world
Wether you are an arranger, musician, or a singer
To some extent, you are immortal

Поділіться текстом пісні:

Напишіть, що ви думаєте про текст пісні!

Інші пісні виконавця:

НазваРік
Picture Me Rollin' ft. Danny Boy, Syke, CPO 1997
Quinta ft. Gloc-9, Konflick, Mikeraphone 2020
3 Blind Mics ft. God's Will, Ron Henley 2020
Tao Lang ft. Quest 2012
XXX ft. Hi-C 2020
Sinungaling ft. Tuff, Ron Henley 2020
The Bobo Song 2020
Wag Ka Magdroga! 2020
F with This G 2020
Walang Babala 2020
Balewala 2019
Pilosopo ft. Smugglaz 2012
Eskapo ft. John Roa 2021
The Final Word 2020
Isang Jeep 2012
Bago Ang Lahat ft. Ron Henley, Kat Alano 2012
Daan ft. Syke, CLR, Droppout 2020
Ultrasound ft. DJ Buddah 2012
Dito Sa Maynila ft. Ron Henley, Toney Chrome, Mike Kosa 2020
Under My Skin 2020

Тексти пісень виконавця: Loonie
Тексти пісень виконавця: Syke