Ako’y umibig ng wagas sa isang lalaking may balbas
|
Matipuno ang katawan mga salitang binibigkas
|
Mabulaklak at matamis, nakahanda na magtiis
|
Tila nagbagong mabilis, ihip ng hangin lumihis
|
Sa kulungan nagmustulang, bihag ng 'yong kasakiman
|
Paniniwala na sinasampay, gumagapos sa’king kamay
|
Ako’y umibig ng tapat sa isang makinis ang balat
|
Tindig kisig kanyang tangkad, laging namamangha ang lahat
|
Buhok n’ya na kulay ginto, kilig na 'di humihinto
|
Parang kalsadang lumiko mga pangarap ko’y bigo
|
Sa kulungan nagmustulang, bihag ng 'yong karangyaan
|
Kaunlarang kanyang alay, gumagapos sa’king kamay
|
May isang lalaking marahas, pagmamahal na patalas
|
Pananakit na madalas, pisngi na may pasa’t gasgas
|
Mga mata na kay singkit tila ba nakapikit
|
Latay mula sa hagupit, lagi na lang nakapiit
|
Sa kulungan nagmustulang, bihag ng 'yong kalupitan
|
Kayamanan na tinataglay, gumagapos sa’king kamay
|
Nagmahal ng tatlong beses umibig at nasawi
|
Kuting na iniligaw upang 'di makauwi
|
Parang sayang sayad sa putik na 'di maitupi
|
Parang sayang naman kaya sinubukan na lang uli
|
Nang makilala ko si Juan ay maayos naman
|
Akay-akay ang aking kamay pababa ng hagdan
|
Direcho sa mga mata pilit pinagmamasdan
|
Umabot sa punto na hinayaan ko na ako’y hagkan
|
Ibinigay ang lahat kasabay ng pag-aakala
|
Na ang lalaking ito ang tunay na mag-aalaga
|
Eto pa, siya daw ang palaging bahala
|
Nasan na bakit pa laging ako ang kawawa
|
Ibinentang parang tupa sa kung kani-kanino
|
Magbayad ka lang ng upa halika pwede ka dito
|
Inanakan ng inanakan ng mga matalino
|
Nakatago sa anino mabaho kahit maligo
|
Kinalbo n’yang aking buhok
|
Ang lason ay pinalunok
|
Ang pusong 'di na tumitibok
|
Hagdan ng bahay ko’y marupok
|
Sinangla nyang aking ginto
|
Maging ang luha ko’t dugo
|
Parusang walang hinto
|
Ako’y sadya nga bang bigo
|
Sa kulungan nagmistulang bihag ng 'yong kasakiman
|
Pagtitiwala na nakasampay, gumagapos sa’king kamay
|
Nakagapos ang aking kamay |