| Woooh! |
| Makktown |
| Omar B |
| CLR, yo! |
| Yeaah! |
| Masipag, malamang |
| (8 beats) |
| We’re right on time |
| Kalmado lang kaya hindi ako nagmadali |
| Tao lang, minsan din akong nagkamali |
| Ang daming plano, 'di ako mapakali |
| Kahit na anong para, 'di ako mapatabi |
| Gagawin ang lahat upang makalapit |
| Mata ay nasa premyo, sana makadagit |
| Subok lang nang subok hanggang sa makulitan |
| Touch move, pag-isipan, walang ulitan |
| Lahat pinaghirapan, hindi 'to overnight |
| Meron 'yang resibo, hindi 'to overpriced |
| Hindi rin mabilis pero dumating |
| Omar Baliw po, I’ll just do my thing |
| Kung ano ang nakikita n’yo sa amin, 'yun kami |
| Walang palamuti, sapagkat |
| 'Di na kailangan ng gano’n upang aprubahan n’yo, pre |
| Kami ay 'di para sa lahat |
| Ngunit naitala 'to sa kwaderno ko |
| Babakat aming pangalan sa ayaw at sa gusto n’yo |
| Katuwang ng madiskarte ang masipag, malamang |
| At dumating din right on time |
| We’re right on time |
| Makikilala sino’ng tunay sa pagkasawi |
| Doble kayod, tatlong balik, nagbabawi |
| Hindi lahat ng kasama ngayon ay kakampi |
| 'Yung iba ay nag-ipon ng hate tapos gaganti |
| Kaya salain, 'di puwedeng makalusot |
| Malinis magtrabaho, plantsahin mga gusot |
| Balik sa plano, kuhain natin pera |
| Kapayapaan, sawa na 'ko sa giyera |
| Kalaban nating parehas ay kahirapan |
| Kaya 'yung kapwa mo ay 'wag mong pahirapan |
| Kasamang palipad do’n sa himpapawid |
| Hindi gano’n kadali pero still itatawid |
| Kung ano ang nakikita n’yo sa amin, 'yun kami |
| Walang palamuti, sapagkat |
| 'Di na kailangan ng gano’n upang aprubahan n’yo, pre |
| Kami ay 'di para sa lahat |
| Ngunit naitala 'to sa kwaderno ko |
| Babakat aming pangalan sa ayaw at sa gusto n’yo |
| Katuwang ng madiskarte ang masipag, malamang |
| At dumating din right on time |
| We’re right on time |
| Pasensya na kung medyo matagal ihain |
| Siguradong may sustansya 'pag kinain |
| Gusto ko mabubusog pati kaluluwa |
| Lahat natatakam, lahat natutuwa |
| Buti nagpatuloy, 'di lang kumuyakoy |
| Daming nanghusga, daming tumuya, noy |
| Sa halip manghina, lalong lumakas |
| Kaya 'yung XP, lalong tumaas |
| Libo-libo lang pero naging M |
| Bukas na libro, never naglihim |
| Omar Baliw po, alam mo sa’n nanggaling |
| Puro tunay lang, hindi 'to sinungaling |
| Tawag dito ay survival of the fittest |
| Kamit ko na ang buhay na dati kong fine-fetish |
| Hihinto pa ba 'ko? Mukhang hindi na, 'di pa finish |
| Line 'to, tol, tabi bago pa 'ko sisipsipan ng leeches |
| Boy, mind your own business |
| Ang taktika diyan ay 'wag kang mangialam |
| Diligan n’yo lang ang sarili n’yong halamanan |
| Ngayon mo malalaman na nililinlang din tayo ng agham |
| Aking luha’t dugo’t pawis pala magpapabunga ng |
| Aking hardin, finally, featured sa magazine |
| Ngayon, ang wallet ko sa’king bulsa’y sarap salatin |
| 'Di n’yo nakikita’ng hirap ng aming nadadaanan |
| Lungkot muna bago saya ang aming nararanasan |
| Madiskarte lang kami at masipag, malamang |
| So we came right on time, right on time |