Інформація про пісню На цій сторінці ви можете ознайомитися з текстом пісні P's Song , виконавця - CLRДата випуску: 17.11.2019
Вікові обмеження: 18+
Мова пісні: Тагальська
Інформація про пісню На цій сторінці ви можете ознайомитися з текстом пісні P's Song , виконавця - CLRP's Song |
| 'Di ko alam kung pano sisimulan |
| Itong aking tula medyo mahirap hirap ang |
| Maglahad ng nararamdaman kasabay ng beat |
| Pero kailangan ilabas nilulumot kong sikreto |
| Nung una kitang makita |
| Ika’y nakaupot umiiyak tapat ng aming eskinita |
| At parang mukha kang depressed non |
| At iniisip ko baka ikaw ay ninakawan ng cellphone |
| At diba tinanong ko ang iyong pangalan |
| Sabi mo hindi ka interesado sabi ko wag na nga lang |
| Suplada ayaw magpakilala |
| Pagkaraan ng isang oras ay sinundo ka ng iyong syotang |
| Naka kotse, kagalang-galang |
| Ako’y pobre ngunit utak ay mayaman |
| Kung naging sakin ka lamang di kita iiwan |
| Hanggang sa huli ikaw ay aking aalagaan |
| (Woaah woaah |
| Hindi kita iiwan dadalhin ka sa sukdulan, kapit lang |
| Woaah woaah |
| Hindi kita iiwan dadalhin ka sa sukdulan, kapit lang) |
| Oh ikaw ba yon ang sexy at san kaya punta? |
| Nalalanghap ko rito banda ang sampaguita |
| Yung pabango kahit ako’y pango amoy kita |
| Habang tinitignan ko ang kislap ng iyong mga mata |
| Ngunit ito’y nawawala sa tuwing ako’y lalapit na |
| Di naman kita babastusin ba’t nagagalit ka? |
| Ibibigay ko lang 'tong panyo mo nahulog mo yata |
| Pang punas ng luha kung di ka bagsakan ng grasya |
| Tinatanong ko muli ang iyong pangalan |
| Di ka sumasagot patay malisya lamang |
| Ako ay nalungkot dalawang beses na yatang |
| Dinededma ang tanong na 'to ngunit parang |
| Di ka masaya sa tuwing kasama mo sila |
| Sila, sila, sila, oo |
| Iba’t-ibang mukha |
| Sumusundo sayo at pawang naka kotse pa |
| Sige ingat sayo hintayin ko ang iyong pagbaba |
| (Woaah woaah |
| Hindi kita iiwan dadalhin ka sa sukdulan, kapit lang |
| Woaah woaah |
| Hindi kita iiwan dadalhin ka sa sukdulan, kapit lang) |
| Bakit ba ang hilig mo sa iba’t-ibang mga lahi? |
| Nagpapaalipin ka sa kung kani-kaninong hari |
| At masaya ka raw kunwari ugh |
| At nakatiis ka sa pinaka mabahong ugali |
| Putanginang mga dayuhan na yan |
| At ika’y walang sawang pinagsamantalahan |
| Ngunit wala lang sayo yon dahil dun ka nakakakuha ng |
| Luho mo at balang araw ay kanyang huhubaran |
| Hanggang sa wala ka nang ibang mapupuntahan |
| Kukunin nila lahat sayo kahit pa piso man yan |
| Hanggang sa wala ka ng madudukot sa iyong bulsa |
| Kundi ang iyong dignidad pati pamato’t panabla |
| Hangad ko lamang ay makilala ka |
| Bakit ba kailangan papahirapan pa |
| Ako? |
| Biglang tumulo luha mo sabay punas, sabi mo |
| Pangalan ko pala ay Pilipinas |
| (Woaah woaah |
| Hindi kita iiwan dadalhin ka sa sukdulan, kapit lang |
| Woaah woaah |
| Hindi kita iiwan dadalhin ka sa sukdulan, kapit lang |
| Woaah woaah (kapit lang…) |
| Hindi kita iiwan dadalhin ka sa sukdulan, kapit lang |
| Woaah woaah (kapit lang…) |
| Hindi kita iiwan dadalhin ka sa sukdulan, kapit lang) |
| Назва | Рік |
|---|---|
| Ongchingco | 2020 |
| Bat Ngayon?, Pt. 1 | 2021 |
| Inday ft. CLR, Denial RC | 2019 |
| Fiesiesta | 2023 |
| Bat Ngayon?, Pt. 2 | 2019 |
| Nisila | 2019 |
| Daan ft. Syke, CLR, Droppout | 2020 |
| Iafls | 2018 |
| Litrato | 2019 |
| Cain | 2019 |
| Basura | 2022 |
| Panipi | 2022 |
| Truest | 2024 |
| Contra | 2023 |
| Sindihan | 2022 |
| Rest Day | 2018 |
| FSTN | 2021 |
| Laya | 2020 |
| Yokona | 2019 |