| Kung 'di man ako ang imaheng
|
| Pinipinta ng iyong isipan
|
| Na inilait ko ni minsan
|
| Eh ano ano, ano ano ngayon
|
| Kahit na may trip na naiiba
|
| Ang mundo’y akin
|
| Hindi naman diba?
|
| Mahalin mo kung sino ka
|
| Eh ano ano, ano ano ngayon
|
| (Shehyee)
|
| Minsan ako din ay nanlait ng iba
|
| Hindi lang pala minsan, maraming beses na pala
|
| Nalait ko sila, ako ay grabe mamuna
|
| Hanggang sa isang araw nangyari rin sa akin
|
| Nag-iba ang ihip ng hangin, ang dating itim na ay pula
|
| Sunod na nakitang hindi maganda sa mata, hindi na hinusgahan
|
| Sapagkat nung ako ay nagsimulang mag-rap
|
| Maraming nangwestyon, isa lang ang sagot ko sa lahat
|
| Eh ano kung iba ang suot, wala naman 'yon sa damit
|
| Eh ano kung tungkol sa pag-ibig, hindi naman kase ako galit
|
| Eh ano kung isa lang ang sapatos at wala akong pamalit
|
| Ang importante, maayos ang lakad
|
| Ang ibig kong sabihin, makinig
|
| Eh ano kung hindi kasali at mag isa
|
| Eh ano kung ang andar ng puso at utak ko ay iba
|
| Eh ano basta hindi makasagasa at masaya sa ginagawa
|
| Yun ang mahalaga, diba?
|
| (Chorus: thyro) |
| Kung 'di man ako ang imaheng
|
| Pinipinta ng iyong isipan
|
| Na inilait ko ni minsan
|
| Eh ano ano, ano ano ngayon
|
| Kahit na may trip na naiiba
|
| Ang mundo’y akin
|
| Hindi naman diba?
|
| Mahalin mo kung sino ka
|
| Eh ano ano, ano ano ngayon
|
| (Shehyee)
|
| Hindi ako sarado sa mga opinion
|
| Basta ba hindi pangsarado ang iyong opinion
|
| Kasi dapat opinyon at hindi pangdidikta
|
| Kasi kung ganon, wag ako mag hanap ka ng iba
|
| Hindi ko ‘to sinasadya para mapansin
|
| Kasalanan ba ng liwanag makita sa dilim?
|
| Halika, sagutin mo
|
| Kung mali ka, tanggapin mo
|
| Alin ba? |
| Saan nalito at ipapaliwanag ko
|
| Eh ano kung pango ka, basta nakakahinga
|
| Eh ano kung banig lang, importante makahiga
|
| Eh ano kung bungal, wala namang tinga
|
| Eh ano, eh ano kung hindi sumang-ayon ang iba
|
| Eh ano kung hindi kasali at mag isa
|
| Eh ano kung ang andar ng puso at utak ko ay iba
|
| Eh ano basta hindi makasagasa at masaya sa ginagawa
|
| Yun ang mahalaga, diba?
|
| (Chorus: thyro)
|
| Kung 'di man ako ang imaheng
|
| Pinipinta ng iyong isipan
|
| Na inilait ko ni minsan
|
| Eh ano ano, ano ano ngayon |
| Kahit na may trip na naiiba
|
| Ang mundo’y akin
|
| Hindi naman diba?
|
| Mahalin mo kung sino ka
|
| Eh ano ano, ano ano ngayon
|
| Ako ba ang siyang umurong?
|
| O kayo ang ‘di umusad?
|
| Ako ba ang siyang naiiba?
|
| O kayo’ng magkakatulad?
|
| Eh ano kung ako’y bukas kamay sa ‘di mapanghawakan
|
| Ako’y bituin sa kalawakan, eh ano ano, ano ano
|
| Eh ano (yow) woah
|
| (Shehyee)
|
| Sa mga sinasabihan ng masama
|
| Eh ginagawa lang nila yung gusto nila
|
| (Eh ano ano, ano ano ngayon)
|
| Halika, tayo’y magsama-sama
|
| Sabay sabay tayo, sabihin natin
|
| Eh ano? |
| (eh ano ano, ano ano)
|
| (Chorus: thyro)
|
| Kung 'di man ako ang imaheng
|
| Pinipinta ng iyong isipan
|
| Na inilait ko ni minsan
|
| Eh ano ano, ano ano ngayon
|
| Kahit na may trip na naiiba
|
| Ang mundo’y akin
|
| Hindi naman diba?
|
| Mahalin mo kung sino ka
|
| Eh ano ano, ano ano ngayon
|
| (Chorus: thyro)
|
| Kung 'di man ako ang imaheng
|
| Pinipinta ng iyong isipan
|
| Na inilait ko ni minsan
|
| Eh ano ano, ano ano ngayon
|
| Kahit na may trip na naiiba
|
| Ang mundo’y akin
|
| Hindi naman diba?
|
| Mahalin mo kung sino ka
|
| Eh ano ano, ano ano |