Інформація про пісню На цій сторінці ви можете ознайомитися з текстом пісні Arangkada , виконавця - ApekzДата випуску: 30.12.2017
Вікові обмеження: 18+
Мова пісні: Тагальська
Інформація про пісню На цій сторінці ви можете ознайомитися з текстом пісні Arangkada , виконавця - ApekzArangkada |
| Wag mo pilitin na isipin na walang pag-asa |
| Pagkat meron pa yan |
| Tingnan mo yung karamihan na meron pasan |
| Daig pa ang kuba pero di nagpapahalata |
| Sila pang magtatanong kung nakakain ka na |
| Namamagang mga mata mga hitang pata-pata |
| Pakiramdam mo ba ay meron kadena sa paa |
| Dahil sa bossing mong panot, masungit at lobo ang tyan |
| Naku kung ako sayo tatawanan ko lang yan |
| Dahil alam mo naman ang pagsubok |
| Dadaanan mo yan para mahubog |
| Wala namang mali sa pagsugod |
| Kung walang pinapalampas wag kang matulog |
| At kung sakaling mahulog tandaan na meron sasalo |
| Pangarap ay matatamo ito ang arangkada mo |
| Hindi uso ang bakasyon kahit araw ng sabado |
| Walang hintuan mapagod man o hatakin ka ngayon ng kama mo tara |
| Bilisan arangkada |
| Wala munang papara |
| Kahit na madapa ka |
| Huwag isiping wala na |
| Basta’t tandaan lang na lagi kang may kasama |
| Pagpatuloy ang martsa |
| Bilisan arangkada |
| Bilisan mo lang |
| Di lamang ikaw ang may problema- marami |
| Ang payo ko sa iyo ugaling tsinelas palagi |
| Problema sa pera |
| Problema sa renta |
| Problema sa pag-ibig ganyan talaga |
| Oras-oras napapaisip at napapatitig sa salamin — nanahimik |
| Tinitigan mo sya at bigla kang napahirit |
| Magaling ka kumanta bakit hindi ibirit |
| Todo bigay at halos mapatid ang litid |
| Papadaig ka ba sa utak na makitid |
| Eh ano sa kanila kung bigla kang tumirik |
| Maraming kokontra natural ang mabwisit |
| Ang mamato ng bunga dyan sila mahilig |
| Nagkalat ang ganyang uri ng tao sa paligid |
| Pero salamat na rin kaya ako lageng mainit |
| Hanapin ang sagot bawal ang sirit |
| Magagawa mo rin ang kaya mong gawin sa panaginip |
| Bilisan arangkada |
| Wala munang papara |
| Kahit na madapa ka |
| Huwag isiping wala na |
| Basta’t tandaan lang na lagi kang may kasama |
| Pagpatuloy ang martsa |
| Bilisan arangkada |
| Bilisan mo lang |
| Alam mo ba na nagsimula lang din ako sa kalye |
| Hindi pa swabe, kabado pa date, pasmado pa pare |
| Madalas na sermonan pero ganado palage |
| Ok lang pagsabayin basta pasado sa klase |
| Yan ang sabe alam ko na mahirap yun gawin |
| Pero ako si makulit kaya tinutuloy pa rin |
| Derederetso na kapag meron inayang dumating |
| Inaraw-araw dahil nagbakasakaling gumaling |
| Lahat ng bumangga dapat ay bulagta |
| Umabot pa nga sa punto na naging sugal na |
| Yun nga lang paano na lang kaya pag ako’y gurang na |
| Nung maisip ko yon parang ayaw kong tumanda |
| Kaso hindi naman pwede na ganon |
| Kasi nga mas mabilis pa kay Lydia tong takbo ng panahon |
| Bago pa mapunta don susulitin ko na muna |
| Dahil ang lalakarin ko ay sadyang malayo-layo pa |
| Bilisan arangkada |
| Wala munang papara |
| Kahit na madapa ka |
| Huwag isiping wala na |
| Basta’t tandaan lang na lagi kang may kasama |
| Pagpatuloy ang martsa |
| Bilisan arangkada |
| Bilisan mo lang |
| Bilisan arangkada |
| Wala munang papara |
| Kahit na madapa ka |
| Huwag isiping wala na |
| Basta’t tandaan lang na lagi kang may kasama |
| Pagpatuloy ang martsa |
| Bilisan arangkada |
| Bilisan mo lang |
| At kung sakaling mahulog |
| Tandaan na meron sasalo |
| Pangarap ay matatamo ito ang arangkada mo |
| Bilisan mo lang |
| At kung sakaling mahulog |
| Tandaan na meron sasalo |
| Pangarap ay matatamo ito ang arangkada mo |
| Bilisan mo lang |